Afternoon random discussion - Sep 17, 2019

So my cousin is asking for help with her situation but I'm not sure if tama sinabi ko please help me guys haha eto sabi niya:

Taga Bacolod po ako at yung concern ko po nakatransfer ako ng 14K sa account ng isang patay na seaman. Hindi po dapat mapunta ang pera doon. Nagkamali po ako. Bumili lang ako ng creamy buko salad online worth 160.00.

Yung account # binigay ng nagbebenta na hindi nya alam belongs to her deceased boyfriend. Nakatransfer ako successfully nag 160 sa acct ng mismong gf kasi humingi ako ng QR Code.

Naisulat ko yung acct number sa papel nung morning at noong gabi, may mababayaran sana akong utang. Tama yung acct number na naenter ko kaso nagexpire yung session kasi hindi ko na confirm agad. Inulit ko pero for some reason ibang acct number ang nacopy ko sa papel.

Tumawag ako sa customer service at sinabihan ako na pumunta sa branch. 2 branches pinuntahan ko and I found kung kanino napunta yung acct.

Natuwa naman ako nung nalaman ko na sa kaibigan ko pla so mapapakiusapan ko. Pero yung problema nung sinabihan ko sya, wala daw sya access sa account. Pinuntahan ko ulit yung bank at sinabi nga nga nkahold ang account kasi deceased.

Suggestion ng branch manager, kausapin ang pamilya for reimbursement at ang pamilya ang magprocess ng claim. Ang malaking problema wala pang death certificate kasi yung seaman nasunog yung barko pero walang remains. Nasunog ang barko last December 31, 2018. Car carrier yung sa bandang Hawaii nangyari.

Paano ko ngayon makukuha ang 14K ko sa banko? Malaking pera yun for an online seller like me. Karay-karay ko pa baby ko every time my meet up kmi ng paninda.

/r/Philippines Thread