ako lang nakaranas ng physical punishment saming magkakapatid, bugbog, hataw sa pwet, mura ng mura. ayon namana ko tuloy yung excessive pagmumura at puro reklamo. tinigilan na ng tatay ko yung mga palo kasi malaki na daw ako. dati sobrang mangpressure mama ko pinapalo ako sa kamay at pinapalo ng hanger sa pwet kapag mali sagot sa libro pero ngayon pinababayaan nya na ako. I think dahil sa stress nila yun wayback sa trabaho bc they're both govt. employees. Ngayong nakaluwag na kami, magaan na yung trato sa mga kapatid ko, medyo spoiled sila ok lang yun para sa kanila naman ang pagsisikap ng parents ko. Pero dala dala ko pa rin yung bakas ng nakaraan, yung emotional scars ng maling pagtrato sakin naging bahagi ng pagkatao ko, if I will self diagnose meron I think meron akong ODD or oppositional defiant disorder, yung laging mareklamo, mapagmura sa bahay. Anti-social, konti lang mga naging kaibigan ko, konti lang din nakakaintindi sakin. Dahil self aware ako, tinry ko i-mimimize yung inappropriate behavior, I work hard and I'm glad I still manage to get high honors. Deep inside, may bahagi ng pagkatao ko na masyadong nasira dahil sa kagagawan nila