Just wanna share my worst and recent typhoon story. That was September 2018 and Bagyong Ompong hit our home. Bungalow type lang yung bahay namin na single storey and malapit kami sa ilog so everytime may bagyo, sanay na kami sa mga gagawin.
The night before the onslaught, naalala ko, the skies are still clear. Pero nag re-ready na kami ng mga kapatid ko na lumipat muna ulet sa kapitbahay na kamaganak din namin na may second floor.
Nag-ayos lang akong konti sa kwarto, tinaas mga pwedeng mabasa. If ever pasukin man kami ng tubig ulet. Iniisip ko baka hanggang binti lang. Kasi the past years ganon lang eh. Pero I was wrong.
We weren't fully ready, in-underestimate namin yung bagyo, umabot hanggang dibdib tubig na pumasok sa loob ng bahay. Sa labas, halos kapantay na ng tubig bubong namin. Nakita ko kung paano nag overflow yung tubig sa ilog. I can't do anything, hindi na ako pinayagan bumalik sa bahay para isalba mga pwedeng mabasa kong gamit.
Still traumatizing pag naalala ko now. That typhoon changed my life forever. I lost a lot of things. I'm a very sentimental person before who keeps every memorable stuff. My childhood books and diaries. Ang dami kong boxes sa ilalim ng kama that includes all my notebooks, class activities, quizzes or papers from elementary, highschool untill college which I kept for years. PC in my room. A few memorable pictures. Etc.
They were all soaked wet, and I have no choice but throw some of it away. And ang hirap and sakit lang kasi no money or time could replace some of those things I kept.
Luckily, nai-akyat pa namin mga TV, washing machine at ref. And sa mga gamit ko pala talaga maraming nawala or nasira haha
Well, some say ang importante buhay kaming lahat unlike sa mga na landslide na pamilya that time. I feel shit every time naririnig ko yon from a friend, cause really I felt like wala akong karapatan maging malungkot dahil wala naman namatay sa amin. But oh well.
Here's a few aftermath pictures pala: