Afternoon random discussion - Apr 06, 2021

Huwag mo nang isipin kung ano ang iisipin sayo. Walang obligasyon ang kahit sino na magpautang kahit kanino. Lakas ng loob kong sabihin to pero at any given time 100k yung total na utang ng mga tao sakin kahit na 30k lang ang sweldo ko haha. Pero kasalanan ko yun dahil nahihirapan akong tumanggi at natitiis ko pa. Sanayan lang yan. Pag nasanay kang tumanggi, wala nang mangungutang sayo. Pag nasanay kang mautangan nang mautangan, lagi ka na lang mauutangan. Sa simula lang pinakamahirap tumanggi, pero pag nasanay na silang matanggihan, kahit magalit pa sila sayo, na hindi naman dapat, mawawala din yun galit nila, mapaplitan ng walang paki. Kasi kung ugali na nilang mangutang, maghahanap at maghahanap yan ng ibang pwedeng lapitan.

/r/Philippines Thread Parent