Afternoon random discussion - Jul 28, 2022

lmao. may kinaiinisan akong kapitbahay, tawagin nalang nating Sara. sa kanila galing yung isang aso namin (nung 2018), emaciated tas may sugat sa dalawang tenga (binutasan) - named Amy. Pinahingi ko kasi nakakaawa. Aside from that, lima ang anak ni Sara at alam kong tulad ng mga aso nila dati, mapapabayaan lang si Amy. Nung 2020, nanganak si Amy ng 3, binigay ng tatay ko (lasing) dun sa pamangkin ni Sara yung isang tuta nang hindi ko alam. Iniyakan ko. Kaya kami nung pinsan ko, kinuha talaga namin yung tuta nang hindi rin nila alam (Puppy Heist). Tas nagalit pa tatay ko sakin kasi tuta lang naman daw yun. Eh hindi naman siya ang nag-aalaga ng mga aso namin. Ako at ang kapatid ko ang nagpapakain, nagpapaligo at nakikipaglaro sa aso namin. Kaya nainis talaga ako non. Tas nalaman ko nalang neto na naiinis daw sakin si Sara kasi nalaman niya na kaya ko kinuha yung tuta eh dahil pabaya sila.

Edi pakyu ka Sara. Totoo naman sinasabi ko. Kaya walang magtagal na aso sa inyo. Pakyu.

/r/Philippines Thread