Afternoon random discussion - Oct 23, 2017

"Tapon na natin 'tong 7 years natin"

Sabi ko sa kanya, di ako umiyak or kung anong shit. Gusto ko sana maluha man lang, pero sa loob loob ko para akong nabunutan ng tinik. Nanghihinayang siguro, na nagsayang ako ng mahabang panahon sa kanya. Pero di man lang ako naluha.

Umuwi ako sa bahay galing night shift. Naabutan ko siyang nakatulog na bukas pa yung ilaw, nakabihis pa ng pang-alis. Katabi nya yung kinginang iPhone 4 nya na "napulot" daw nya sa taxi. Mahigit ilang buwan na akong nanghihinala sa kanya, nararamdaman ko yung panlalamig nya sa akin. May sinabi pa siya sa aking "nandidiri na ako sa iyo" nung isang beses.

Gusto ko na matapos itong mga pagdududa, gusto ko na malaman kung meron nga siyang iba. Sinilip ko yung telepono nya, binuksan ko yung Yahoo Messenger. May mga mensahe na "i love you" at mga emoji na halik halik. Meron pang message na "ang hot nung kanina" ewan ko kung anong tinutukoy nila pero hindi siguro tungkol sa kape at pandesal.

Kinilabutan ako, gusto kong magalit pero mas nangibabaw ang panghihina. Nanghihina na nagsayang ako ng oras at panahon sa babaeng ito tapos gagaguhin lang ako sa huli. Umiyak siya nung nalaman ko, binanggit nya lahat ng pagkakamali ko. Di na ako nakikinig. Iniisip ko na agad kung saan na ako titira pagkatapos nito (live-in kami). Inempake ko na yung mga damit ko. Tinitigan ko siya ng matagal. Sabi ko sa kanya, "wag mong lolokohin si [name ni kabit, na kaklase ko ng high school] ha?" sabay halik sa kanyang noo.

Lumabas na ako ng kwarto. Nagmadali ako sa pintuan. Ay putcha nakalimutan ko yung company ID ko. So bumalik ako para kunin "Hehe sorry nakalimutan ko". Haha comedy. Matapos nun naglakad na ako palabas ng subdivision. Inisip ko yung mga alaga naming pusa kung pano namin sila paghahatiin. Pero saka na yun. Tinawagan ko yung isa kong kaibigan, kailangan ko ng kausap.

Pumunta akong Ali Mall, nag usap kami ng kaibigan ko. Kung anu-anong boring shit na nakatulong naman. "blah blah blah di ko akalaing magagawa nya yun" "blah blah blah kasalanan ko rin naman". Magagabi na, pumasok na ako sa opisina. Nagtrabaho kahit na may dinaramdam. Sinubukang matulog sa clinic pero nakatitig lang sa kisame. Nagtrabaho ulit hanggang uwian. Tumuloy sa kaibigan panandalian habang naghahanap ng malilipatan. Kumain kami ng Sr. Pedro Lechon Manok.

Tangina ang sarap ng Sr. Pedro Lechon Manok noong panahon na yun.

/r/Philippines Thread Parent