Daily random discussion - Jul 15, 2021

Sobrang bothered ako sa panaginip ko kagabi.

I went to my cousins' house tas may nakita akong salbaheng pusa. Di ko matandaan kung anong ginawa ni muning basta pinatapon ko raw. Nung nalaman ng mga pinsan ko, nag-iyakan sila. Yung maliit na bagay raw kasi sa tingin ko, lifeline para sa kanila. Nanghuhuli pala ng daga si muning tas yun ang kinakain nila.

I felt so guilty hanggang sa magising. Napa-reflect tuloy ako kung ganun na din ba ang treatment ko ngayon sa ibang tao. Na hindi ko ba naiisip yung struggles nila kasi hindi ko na yun naeexperience ngayon. Na parang ang dali sakin idismiss yung concerns nila porke't may pera na ako.

Muning, kung nasaan ka man, sorry na. And salamat din kasi ginising mo ako.

/r/Philippines Thread