Evening random discussion - Jul 17, 2019

Hindi na gumagana yung post last year dito sa r/ph na tungkol sa pagsend ng CC sa NTC ng troubleshooting issue mo sa ISP mo. Sinubukan ko mag send sa [email protected] hindi na daw sila active. Ang puwede na lang yung 171 hotline nila tsaka fb at twitter. Nag send ako ng message, tinanong ko ano na update. Ang sabi nila nag send na daw sila ng request at on process na daw yung issue. (Halos 3 weeks na)

Mag i-ilang linggo na kami walang matinong internet connection, wala rin landline. Tapos pabalik balik na yung pinsan ko para magtanong sa customer service center nila wala rin. Ang sabi sa amin tinawagan na daw nila yung freelance technicians nila para i-update sila, marami na rin daw nagcocomplaint sa kanila about sa internet nila same issue rin sa amin. Haay ang hassle.

/r/Philippines Thread