Mag 30 na ako NGSB pa rin.

Meron akong kilalang 1/10, literal na ang biro parati ng barkada niya sakanya eh yung muka niya. Medyo malungkot tuwing ganun pero sinasakyan niya tsaka di pinepersonal kase napaka confident talaga niya in a very positive, non-toxic and nice way. Di siya mabilis panghinaan ng loob o magkimkim sa sarili

Maambisyon yun, nakatingin parati sa goals niya, always looking ahead sa future pero lives in the present parin, lakas magpatawa minsan sarili niya joke material niya, magaling magdala ng problema at magcomfort sa iba, maalalahanin, napaka observant nun sa ibang tao tas lalapitan ka niya kahit di kayo close, always willing to help kahit namomroblema siya. Nagkakashota yun.

Tignan mo lang rin talaga kung sapat ka na para maihain sa plato ng iba. Ang relasyon kase hindi kasing simple ng mag-on kayo o basta date o intimacy lang. Try mo magkaroon ng routine as a person, kung attractive ka ba as a partner in life instead ng as physical lang.

Mahirap talaga pag average lang kumpara sa mga natural charmer, pero yung kakilala kong 1/10 sa itsura yung nagturo sakin at nagpatanggap na hindi lang talaga ako sapat at handa to be someone's other half.

Syempre di natin kailangan maging ganun ka-complete package, ket siya may butas pagdating sa anger management, pero kung fit naman satin yung SO—to the point na ifi-fill niya yung gaps natin at willing dalhin yung relasyon, magwo-work parin yun. Ibang usapan nga lang kung tatagal ahaha

/r/OffMyChestPH Thread Parent