Magdedelete na ako ng Shopee app today tapos nakita ko ito sa notifications.

Alam ko mahirap magdecide whether to delete it or not pero if we choose to boycott shopee may effect din siya mismo sa workers dun. If napapansin ng shopee na grabe pagplummet down ng profit or whatnot (I'm not good with econ, pasensya na po huhu) they have no choice but ipasa yung bigat ng problem sa mismong workers din.

Sa ngayon mahalaga na dapat pinapaalam din natin sa mga nagtratrabaho sa shopee lalo na yung mga hindi masyadong aware kung paano sila apektado sa gawain, panlilinlang, pang-eexploit ng mga owners para sila din ay magkaboses.

Di ko sinasabi na wag natin iboycott. I am just adding din na sana kung may kakilala din kayo na nagtratrabaho sa mga ganyan, iinform natin sila kung paano sila naiipit sa mga paraan na di pinapahalata ng mga halimaw na 'to (isa ka na rin TG).

Malamang sa malamang, sa posibleng pagdami pa ng mga maguuninstall ng shopee, which can affect the profit nga, uunahin nanaman nilang papabigatin pasanin ng mga workers.

/r/Philippines Thread Link - i.redd.it