I may have given me & mom's personal details to a scammer. (story on comments)

Story: Nagtext sa mom ko yung scammer. At first di nya napapansin then nakulitan sya so pinakita nya sakin. Sim Upgrade daw sabi, naisip ko luma na nga naman sim nya. Baka need na ng upgrade. So nagreply ako ng "Y".

Si scammer nanghingi ng full name, address. Yun lang. Tapos, fast forward to September. Nagtext ulit. It's as if nakalimot sila na we already gave out details. Ako naman si tanga nakalimot din. So nagreply nanaman ako "Y". Pero this time tumawag na sya, normal cp number lang gamit. Hiningi lang yung details namin, fullname ulit at address. Ibinigay ko naman na name is yung akin. nanghingi pa sila ng extra contact number, sabi ng mom ko akin naman daw. Edi sinabi ko number ko.

Tapos kanina lang na realize ko, yung Sim ko, kusa nag upgrade from 4G to 5G. So bakit tatawag ang telco to manually upgrade a sim at bakit need ng address? Kelan pa naging thing yun sa prepaid sims??

Medyo kinabahan ako, pero since name , number at address lang ang alam nila. I'm a bit confident na di nila ko madadali ng Sim Swap. Since it's now known to me.

I found out na lumang style na pala tong Sim Swap. Buti di kami umabot sa point na maswap talaga sim namin. Sana po walang madali na iba.

Tsaka sana, matuloy na yung sim registration para matigil na to.

/r/Philippines Thread Link - reddit.com