Nakaw pero true

“Generic na love quote para sa title”

May dalawang mag jowa, isa mayaman tas isa mahirap. Para sa example na ito, yung babae yung mahirap tas yung lalaki yung mayaman.

Yung babae may nanay na labandera tas yung papa may sakit o minsan patay (pero babalik mid series may kinalaman pala sa business nung mayaman na pamilya nung jowa ng babae) Tas may dalawang bonjing na kapatid na silbe lang magpacute at kumain ng hotdog para sila yung nakasalpak sa commercial ng tender juicy kasi sponsored. Tas may bading na bestfriend yan na nandiyan lang para sa comic relief tas OA yung acting tas palaging nilalandi yung tricycle driver na kaibigan nung pamilya. Kung di yun, panget na bestfriend pareho din yun silbe. Tas may nerdy bestfriend o childhood bestfriend na torpe

Sa lalaki naman, automatic patay na yung nanay tas may kumag na tatay na businessman o nagpapanggap na mabait pero kasapi pala sa drug ring. Pero kahit ganun yung magulang, may mabait at decente na lola na bestfriend yung katulong na nandun lang para sa comic relief. Tas yung lalaki may bestfriend na dude pare chong yung galawan, ginawa lang yung character na yan para magkaroon lang na “i’m not like other dudes” character development yung lalaki. Tas bago makilala nung lalaki yung mahirap na babae, may kupal na conyong gf yan tas magiging borderline abusive kapag hinawalayan na siya para dun sa mahirap na babae

/r/Philippines Thread Link - i.redd.it