Pa rant lng saglit, been in my head these past days
Dati yung kapatid ko lagi kami naglalaro. Mapa pc, vr, switch name it. Lagi rin kami nanonood movies every weekend. Nung nagka gf sha, siguro 90% ng time nya aside sa work puro sa gf lang nya. Yung 10% na yun kung nagchacharge lng sha saka nya kami kinakausap. Kahit kumakain kami tanghalian o hapunan, lagi nya kausap.
Tuwing inaaya ko maglaro or manood, lagi sinasabi tinatamad sha kasi jowa. Yung personality rin nya nagbago ng todo. Salita nya rin puro jowa jowa like " pagod na ako, kailangan ko backhug" or "mas masarap kung nandito si jowa". Honestly minsan nakakarindi na pero hindi ko nalang sinasabi.
Medyo na sad lang ako kasi dati dami namin time ngayon halos wala na, tuwing nagchacharge nalang sha lol. Alam ko naman na we are adults na, we have our separate lives and we grow old too. We find relationships at dadating time na magkakahiwalay rin kaming mga magkakapatid.
Nakaka sad lang, dapat pala inenjoy ko na ung naglalaro pa kami dati :(