Nightly random discussion - May 13, 2016

::rant::

Dun kay kuya na nagngingitngit dahil walang tubig sa pantry, ikaw na kaya ang magpalit ng tubig sa dispenser para lumaki naman ang katawan mo, katulad naming mga "baklang mas malaki pa ang katawan" sa iyo? Be proactive nga diba?

Kung ayaw mo, intayin mo yung housekeeping na palitan yung tubig. Hindi naman pumasok at nagtrabaho ang mga "baklang mas malaki pa ang katawan" sa iyo para palitan ang tubig sa dispenser kapag uhaw na uhaw ka na at wala nang tubig ang dispenser. Kasi sa pagkakatanda ko, wala sa Job Description ng "baklang mas malaki pa ang katawan" sa iyo ang magpalit ng tubig ng water dispenser kapag naubos na.

I'm not questioning anyone's sexuality kaso yung parinigan kasi madalas kong nakikita sa RuPaul's Drag Race, which coincidentally, mga bakla ang contestant. Yung iba dun, "baklang malaki ang katawan" like me. Or minsan sa mga babae. Pero madalang ko lang marinig talaga ang nagpaparinigan sa mga "tunay" na lalaki. Hmm hmm hmm. Well, well, well.

Ganito kuya, I suggest ikaw na magpalit ng tubig. Ang lapit lang naman ng spare water container sa dispenser. Para naman lumaki din ang katawan mo katulad naming mga "baklang mas malaki pa ang katawan" sa iyo. Like bruh do you even lift? Kasi ako, Just Dance lang and Zumba! Pero surprisingly, mas malaki pa din ang katawan ng baklang ito sa iyo! Amazing!

Ngayon, kung ayaw mo talaga, well, since mahilig ka naman umakyat sa bundok, dun ka na din kumuha ng tubig! Magdala ka pabalik sa siyudad! Dun sa mga batis! Sa lawa! Sa ilog! Sa Nature's Spring! Absolutely Crystal Clear!

Better yet, sa bundok ka na din manatili! Bagay na bagay ka dun kasi yung may makitid na utak at may ugaling bigoted katulad mo, may pagka-taong bundok!

Tsaka kuya, fresh air dun. Para naman malinis ng konti yung utak mong na-contaminate na ng nicotine! Kasi napansin ko, sa 8 oras na trinabaho mo, halos 2 oras dun napupunta sa kaka-yosi break mo. Okay? Love lots! Sana kunin ka na ni Lord! XOXO

/r/Philippines Thread