Nightly random discussion - Oct 06, 2016

Hi. Pahingi po ako ng genuine advice heuheu

Earlier this year, I bought a phone (Samsung A series) for 18k (originally 22k, naka-sale lang that time) then yesterday, I decided to sell it for 14k. I swear by the old gods and the new na wala siyang issue or problema aside from the fact na may crack lang yung tempered glass sa lower right corner, as in corner na away from the screen and far from the home button. Nothing biggie. The phone is working well, honestly, hindi dahil gusto ko lang mabenta. Even yung battery is in good condition. I just wanted to buy a new phone. I bought it in a store in North Edsa (I checked their reviews in Facebook and okay naman). Since wala pa siyang isang taon, under service warranty pa rin siya and never pa nagalaw.

Then last night, may tumawad ng 11k. Go na ako, so nagmeet na kami although he assured me na gusto muna niya makita and walang guarantee na bbilhin na niya. Okay lang sakin yun, I understand him as a potential buyer. Anyway, nung nagmeet kami around 9 or 9:30PM, chineck niya lahat-lahat. (BTW, if this is anything relevant, ni-reset ko yung phone sa factory settings bago ko pinakita sa kanya). So ayun nga, from camera, yung screen sensitivity, messages, pati yung fingerprint scanner, yung wifi and mobile data. Lahat okay. In the end, binili na niya. Kasama na yung box nung phone and charger, then binigay ko rin yung receipt para sa warranty.

Next morning, I got a text from him saying may issue daw yung phone. I received the message at around 1AM. Sabi niya, yung lock screen daw, pag dark colored yung background, nag-iiba raw yung kulay. Kapag light, hindi nakikita. Hindi ko alam kung bakit or paano, basta yan yung description niya, as in his exact words. Then I asked for a picture or screenshot kasi para alam ko kung totoo kasi up to the last minute na ginamit ko yun, wala akong nakitang mali sa screen. Pero sabi niya: "Hindi makikita sa picture. Mapapansin lang ang pag-iba ng kulay pag gabi na."

I am not sure what to do. Hindi kasi ako talaga nagba-buy and sell. Ang gusto niya is magkita kami ulit para maibalik niya yung phone at maibalik ko yung pera kahit 10k na lang daw. Sabi ko, dalhin niya sa store na pinagbilhan ko kasi nasa kanya naman yung resibo, and may warranty pa nga. Ayaw niya. Pero kasi ang concern ko is baka may pinalitan na siya sa unit or nabagsak na niya or what kung totoo man na may something sa screen.

Soo what do you guys think? What do I tell him? My friend said wag ko na lang daw pansinin kasi baka nangti-trip lang siya, but it's bugging me. Okay lang sakiin na magmeet kami kaso something is fishy dun sa "sa gabi lang" makikita yung issue. Help? Advice?

/r/Philippines Thread