No Xi’t

Chain smoker ang lolo ko. Araw-gabi, hithit-buga. Sampung taon ako noon nung sinabi ng nanay ko, “Kung gusto mong makita grumaduate ang apo mo, kailangan mong ihinto ang iyong bisyo, ora mismo!”

Dali daling umagos ang luha sa mata ng aking lolo ng mapagtanto nya ang epekto ng kanyang bisyo. Huminto sya agad. Ngunit mapagbiro ang tadhana dahil namatay din sya sa sakit na lung cancer makaraan ang 3 na taon. Sobrang sakit para sa aming pamilya ang kanyang pagpanaw.

Sabi ng nanay ko, “Wag na wag kang matututong magsigarilyo. Wag mong iparanas sa pamilya mo ang nangyari sa lolo mo.” Sumang-ayon ako. Ngayon ako ay 27 anyos na, hindi pa ako nakakahithit ni minsan ng kahit isang yosi.

Ngunit ngayon, sa aking pagninilay-nilay, ako ay nagsisisi sa aking desisyon na ito'y para sa wala lamang 'pagkat nagkaroon padin ako ng cancer gawa ng statement ng Malacañang.

/r/Philippines Thread Link - i.redd.it