Pa cheer-up naman

Sana mapatawa ka nito.

Sa isang bayan....

Binata: Magandang araw po. Hinahanap ko po si Edna Cruz. Alam nyo po san sya nakatira?

Tatang: Ah si Edna. Oo. Naku malayo pa bahay nya. Deretsuhin mo yang kalyeng yan. Pagdating sa dulo kumaliwa ka, deretso ulit hanggang dulo. May makikita kang balon. Try mo uminom, malamig at matamis ang tubig dun.

Binata: Salamat po pero di ako nauuhaw. Kelangan ko po mahanap agad si Edna.

Tatang: Ah ganun ba. Mula sa balon, kumanan ka, deretsuhin mo yung matarik na daan. Sa taas may matatanaw kang ilog. Dun galing yung matamis na tubig ng balon.

Binata. Ah. Yung bahay po ni Edna?

Tatang: Deretso ka lang. Sa dulo nun may tulay. Pero ingat ka at madulas. Umulan kahapon. May naaksidenteng ngang matanda, nadulas at nahulog sa ilog.

Binata: Nalunod yung matanda?

Tatang: Hindi. Ang galing nga lumangoy eh, butterfly stroke pa ginawa. Tapos bigla syang sinunggaban ng buwaya.

Binata: Patay ang matanda?

Tatang: Hindi, maliksi yung matanda. Naka-ilag. Tapos, may nakita syang matulis na kawayang lumulutang. Kinuha nya. At gamit ang natitirang lakas, sinaksak nya yung buwaya.

Binata: Patay ang buwaya?

Tatang: Hindi. Naka-ilag din. Nasaksak ng matanda sarili nya. Nakita na lang sya kinabukasan sa kabilang bayan, palutang-lutang, akala nagpakamatay lang dahil hawak-hawak pa nya yung nakatarak na kawayan sa tyan nya.

Binata: Tsk tsk. Yung bahay po pala ni Edna? Emergency po kasi. Kelangan ko na sya makita ngayon na.

Tatang: Ah ganun ba. Di mo agad sinabi. Yang tindahan na yan. Nandyan sya nakikipag-tsismisan. O sige, iho, mauna na ako.

/r/CasualPH Thread