"Retirement Plan" rant padin ba?

Not to offend the OP pero sa huli talaga ang pagsisisi. Dapat ipakita natin sa mga magulang natin kung gaano natin sila kamahal at naaappreciate hanggang andyan pa sila. Kaya ako ang naging goal ko sa buhay is tumulong sa family. I prayed to have a job after graduating para masuportahan sila. Kaya kahit mahirap yung trabaho at lately mahirap narin pagkasyahin yung budget eh okay lang kasi ito ang hiniling ko. Byudo ang Tatay ko at mula 2002 nung mawala si Nanay siya lang mag-isa ang nagtaguyod sa amin. Halos naubos din ang savings nila noon dahil sa chemo ni Nanay. Kaya kahit anong hirap titiisin ko kasi ngayon nakakapag give back na ako sa kanya. Hindi niya ko kailanman inobliga dahil para sakanya, responsibilidad niya kami bilang magulang. I know not all parents are the same. Pero that's the cycle of life kasi. Sila ang nagalaga satin noon kaya alagaan naman natin sila kapag kaya na natin.

/r/CasualPH Thread Link - i.redd.it