Sa mga teens at early adults ng mid to late 2000s, paano nyo ide-describe yung panahon na 'yon?

Panahon ito ng pag usbong nga mga internet cafes, pero nag eexist pa rin naman yung mga arcade games. * Panahon na 'di pa rin lahat may access o may sariling komyuter sa bahay, kailan mag rent. Kaya siguro pag dating sa mga bata mas lamang pa rin ang oras nila sa labas at pisikal na aktibidad o paglalaro sa labas kumpara sa digital experience. * Sa mga teens, busy sa friendster, ym, text, clans, yung iba nahihilig na sa banda o pag tugtog na ang naging libangan. Dito na nga buhay na buhay yung iba't ibang genre, local man o international. * Kakaiba rin yung media experience nito kasi dahil nga sa di pa rin lahat may access sa internet, ang source of memes ay ang Bitoy's Funniest Videos. Dahil television,radio pa rin naman ang source ng any media consumption news man o entertainment walang choice sa bahay kung hindi boring ang gabi dahil nandito rin yung mga solid na teleserye. Para sa mga pelikula kailangan mo mag rent sa Video City, hanggang sa naging talamak na ang piracy, sa isang CD meron ka na sets ng 1-6+ movies.

Siguro pinaka memorable sa akin nung panahon na to ay yung may sarili na kaming kompyuter sa bahay. Sobrang saya ko, namin magkakapatid nito. Hehe.

Masaya rin naman yung pag usbong ng fb puro games lang.. pero sa kasalukuyang kinalabasan nito di ko rin alam kung dapat lang ba na ganito ang kahinatnan natin.

/r/Philippines Thread