sana talaga may same sex marriage na sa pilipinas

Yes, medj familiar ako sa set up nitong yt personalities. Actually plano na namin to ni gf, pero around 3-5 years pa to possible. Hindi pa kasi kami ganon ka financially stable.

Here are other info kasi: we both stopped working nung nag business kami para mas makafocus. Around 1 year palang business namin. Yung sinabi ko na 150k net income sa business, hindi yan every month, minsan may mahinang buwan na around 70-100k lang ang net income. Sa 70-100k ibabawas pa diyan yung hulugan naming sasakyan + on going construction ng 2 story house namin + personal expenses like groceries and lazada + health insurance. Minsan may natitira pero idadagdag namin sa puhunan sa business para mag grow pa.

So technically wala talaga kaming malaking cash or savings na pwede ilaan sa anak kaya nagpapa stable pa muna kami.

Ang investment na gusto ko protektahan is yung business, yung bahay, at sasakyan. Yung business sa kanya nakapangalan(napagka sunduan lang namin na sa kanya ipangalan ewan ko ba haha), so kumuha ng sasakyan na gamit na rin sa business so pangalan niya ulit kasi source of income yung business, yung lupa naman sa family niya kaya parang technically pati bahay na pinapatayo namin ngayon sa name niya ulit.

Nawalan lang talaga ako ng tiwala sa family ng gf ko itong naghirap kami. Ang dami nilang ginawa at sinabi against samin ng gf ko, what if mawala gf ko, baka mas malala gawin at sabihin nila sakin. Sobrang swerte ko sa gf ko jusko I would die for her at ganon din siya sakin, minalas lang sa family, I guess you can't have it all talaga ata.

Safest way talaga is through lawyer, kailangan ko lang ng estimate fee sa ganitong last will para di naman kami mabigla. I tried mag message ng lawyers pero ang sinasabi lagi is pumunta ng office, pero gusto ko pag pumunta na sa office yung talagang kaya na ng cash namin lahat lahat ng gagastusin.

/r/phlgbt Thread Parent