"I think I have it"

Tingin ko, hindi ako praning. Mataas ang tiyansa na meron talaga ako.

- What symptoms do you have?

Fever, cough, colds, masakit din ang ulo at naghihina. Wala pa namang breathing problems as of now. I'm still young, 25 at kaya ko nasabi na mataas ang tiyansa ko na meron kasi hindi ako madalas magkasakit kahit na lagnat. Huli akong nilagnat, 2015 pa.

- Where do you think you got it?

Taga-province ako at WFH na ako even before pa lang nito. Hindi din ako madalas lumabas ng bahay. Wala akong ibang maisip na posibleng source bukod nitong Last Saturday night. Nagpunta kasi ako sa bangko para mag-withdraw ng pera. Nakalimutan kong mag-alcohol at maghugas ng kamay pagkauwi ng bahay. Ang tingin ko kaya nahawa ako, Saturday kasi nagsipag-uwian 'yung mga taga-Manila. Baka 'yung huling gumamit ng ATM before sa akin, possible na carrier mula sa Manila o sa ibang lugar.

- When did the first symptom show?

Wednesday, 2 days ago. Pero naramdaman ko nang may kakaiba Tuesday pa lang. 'Yung pakiramdam na lalagnatin ka.

- Have you gone to the doc?

Wala akong balak. Saka na kapag lumala na. Pinanonood ko ito kahapon (https://www.facebook.com/CNNPhilippines/videos/2257332854562565). Sabi ng doktor, pumunta lang daw sa hospital kapag may breathing problems na.

- How are you treating it?

Kahapon, todo-inom ako ng Bioflu kaya ngayong umaga, hindi ako mainit. Pero naisip ko, baka natural way ng immune system ang fever para tumulong na pagalingin ang katawan so baka hindi muna ako uminom ng gamot. Bale papakiramdaman ko muna. Kung lumala ng husto ang lagnat ko, iinom ulit ako ng gamot. Umiinom lang ako sa ngayon ng maraming tubig saka naglaga ako ng luya para inumin. Saka sakto, Sabado na bukas kaya makakapag-pahinga ako.

Kahapon, aminado ako na sobra ang panic ko. Additional information, 3 na sa bahay namin ang may lagnat, kasama na ako. Ngayong umaga, sabi nung kapatid ko, hindi na daw siya nilalagnat pero ang tingin ko, in denial siya. 4 na din ang patay na PUI sa province namin. Hindi kasama sa official count 'yung 4 kasi PUI lang e.

Nagbasa-basa na ako kahapon kaya medyo wala na ang worries ko at confident ako na gagaling ako kung nakuha ko man ang sakit na ito. 3 in 10 lang ang kinakailangang isugod sa ospital dahil sa ARDS at pneumonia at 1 in 10 ang namamatay.

Kaso natatakot ako para sa pamilya ko lalo na para sa lola ko. Pinayuhan ko sila na huwag muna lumapit sa akin. Naisip ko rin, ang hirap pala kapag maliit lang ang bahay niyo at kaunti lang ang mga kuwarto tapos magse-self quarantine ka. Paano pa 'yung mga nakatira lang sa barong-barong.

/r/Coronavirus_PH Thread