Evening random discussion - Jun 19, 2019

Tinanong ko na kasi sya before kung isasama ba nya ako sa oath taking--along with the disclaimer na, okay lang kung hindi nya ako isasama kasi time nya yung with family. Sagot nya, hindi kasi iisa lang ang ticket. Wala namang problema sakin yun. I felt relief pa nga kasi di ko na kailangang gumastos at umeffort to attend a formal event.

But don't get me wrong, I'm very happy for him.

Attys' roll kasabay ng bday nya, nanay lang nya kasama nya. Sabi pa nya kahapon, maglulunch lang sila pagkatapos.

Wala naman ding problema doon. Tinanong ko naman sya noon pa kung maghahanda sya, hindi daw nya alam. At ayun nga, sabi nga nya kahapon, maglulunch na lang daw sila ng nanay nya. Mali ba ako to think na walang handaan pag-uwi? Dapat ba hindi ako nagulat sa biglaan nyang tanong kung pupunta ako sa kanila? At ang pagkakasabi nya pa, "Punta ka daw?"... hindi ba yan implication na iba ang nag-imbita at hindi sya?

Lastly, alam kong ako ang huling taong malapit sa kanya na kinausap nya about sa pagpasa nya sa bar. Pagka-text nya sakin na pasado sya, wala na kong narinig sa kanya ulit. I waited kasi sabi nya busy daw sya at maraming bumabati. Hinayaan ko kasi masayang moment yun for him.

O ngayon, another happy occassion, mali bang ma-feel ko na hindi na naman ako kasali?

/r/Philippines Thread Parent