Trigger Warning - Story time: I hated being alive

Almost the same story natin. Soon as I finished college I knew I'll be the secondary breadwinner. I am okay with helping out but not to the point na wala na ako maipon para sa future ko. I want to have my own family din. Sa tatlong taon na nagtatrabaho ako, wala ako naipon. Sumasakto lang sahod ko. I got a credit card to buy my mom a washing machine para di siya mahirapan maglaba. Sira na kasi dryer nung washing machine namin. Binili ko na yung automatic na magdrdry yung damit. Yung no need na ilipat sa kabila para idryer kasi si dad ko nagrereklamo kapag nagpapatulong si mama sa pagpalipit ng mga towels. Nalaman ni papa na credit card gagamitin ko sa pagbili ng washing machine. So, kapag wala siya pera pambili ng food. Gagamitin yung credit card. It's either bibili ako ng sangkap sa supermarket or magcacashout ako sa card. Never niya binalik yung mga gastos sa credit card. Hahaha. So, your girl got debt. Hahaha. Sumagad hanggang credit limit. Last year, bumaba ng super yung blood pressure ko. Nakuha kong maadmit sa hospital. Napunta ako sa coronary care. Kamahal nun. Buti may Philhealth ako amd nagwowork ako sa hospital kaya from around 40k naging around 10k nalang binayad. I decided to quit work. Hindi narin kasi ako masaya doon. Toxic. Pumayag naman sila. Sinabi ng dad ko siya na bahala sa utang pero hindi man niya ako natulungan. Naghanap ulit ako work. Nakuha ako as prof pero next year pa naman ako magrereport to work. So, need ng laptop. I don't have one. Ginagamit ng dalawa kong kapatid para sa online class yung dalawang laptop. Hindi naman ako pwede makipag-agawan di ba? By the way 6 kaming magkakapatid. Ako palang tapos yung dalawa di na makapag-aral kasi wala stable job tatay ko, si mama housewife. Yung dalawa nakapagaral for free dahil sa kakilala nung isa kong lola. Yung isa 3 y.o. palang. Nagkaroon kami pagtatalo ni papa sa laptop. Nainis ako sakanya. I almost ended my life pero ayun I failed. Linaklak ko yung gamot ko para sa sakit ko sa ulo. Pero di ako nag-OD. Naisipan ko na tumakas and ayun tumakas ako. Nakatira ako ngayon sa bahay ng family ni BF ko. Pinahiram muna ako ng laptop. Kaso ayun wala parin ako maipon para sa sarili ko laptop. Nahihiya nga ako. Pero, mas ok na ako. Masaya na ako. Oo, namimiss ko mama ko, lola ko pati mga kapatid ko. Naiintindihan naman nila bakit nagawa ko yun. Babalikan ko naman sila pero kailangan ko muna ayusin life ko. Alam ko wala ako mapapala kung magstastay ako sa amin. So, ayun. Nagshare lang ako. I am not saying na tumakas kayo, ha? I just needed to leave because I know I'll probably try to kill myself again if I stay there.

/r/PanganaySupportGroup Thread