ang baba ng tingin nila sa introvert na may mataas na grades

ako nga laging highest sa quizzes at exams, as in consistent talaga pero hindi ako active sa extra curricular activities nung highschool kasi hindi talaga ako sanay sa maraming tao and socializing. Sa music lang ako sumali nun, sa choir nung school gawa ng yun lang yung kaya kong salihan na kaya kong magperform. Best in Math, english, name it dahil madali akong matuto kaya nag eexcel tlga ako sa klase. Yung dalawa kong malapit na friend nun, nakita raw nila na nasa no. 2 ako meaning mataas ang chance ko maging Salutatorian or Valedictorian nung eval pero ginawa akong 2nd honorable mention nung finals. Wala naman sakin yung placement kasi I know na kahit na anong mangyari, aakyat ako ng stage at gagaraduate pero hindi mej umiling lang ako nung naging salut at 1st hon. mention ay yung mga active sa extra pero wala namang binatbat sa acads. Ni hindi ko nga maalala na nagexcel sila sa mga exams. Naalala ko lang haha. anyways, hindi naman ako galit, sabi ko nga kahit ano lang basta masaya na rin parents ko at hindi naman ako takot masapawan

/r/studentsph Thread