Daily random discussion - Nov 25, 2015

Share ko lang yung nangyari kanina PARA MALINAW NATIN LAHAT! SHOPLIFTER DAW PO AKO??? GRABE KA NAMAN MAGSALITA! Grabe experience ko nakakabadtrip talaga! bumili ako ng perfume sa BENCH kahapon Then bumalik ako kanina para mag grocery, dumaan ako sandali sa BENCH para tumingintingin. Tapos nakita ko na may bago silang scent na perfume. Inamoy ko ang tester tapos kinuha ko yun akin sa bag ko para e compare ko sa nabili ko yesterday na scent. Then binalik ko sa bag yun perfume ko at yun tester sa pinagkuhanan ko. Tapos lumabas agad ako nang store.. Then pa2labas na ko may sumigaw (guard) ang sabi "sir" sa likod ko dineadma ko lang. Lumapit sa akin ang sales lady, sir parang ikaw po ang tinatawag nang guard". So lumingon ako sa likod, tapos lumapit sa guard baka may nahulog ako or ano man yun. GUARD: sir kanina pa po kita tinatawag bakit hindi ka lumilingon? (galit na pagkasabi) ME: ha? Sorry po hindi ko kasi alam na ako pala yun tinatawag mo. GUARD: sir PA CHECK NALANG PO NG BAG MO! ME: (iniisip kung mabuti at nagtataka kung bakit?) ha? bakit po? GUARD: may nakakita na nilagay mo yun pabango sa bag mo. "so binigay ko yun bag ko sa guard kasi pangit yun pagbibintangan ka nang de oras" GUARD: ano eto?! ME: akin po yan, kahapon ko pa po binili yan. (iba na yun pakiramdam ko) GUARD: meron ka po bang resibo neto sir? ME: wala na po kasi kahapon ko po yan binili naitapon na po. GUARD: Sumama po kayo sa akin sir sa office nalang po kayo mag explain. (hinila niya yun braso ko) ME: sir, hindi ko po kinuha or ninakaw yan, binili ko po kahapon yan! (marami nang tao nakatingin.) GUARD: sa office nalang sir para walang gulo. (wala na akong nagawa kundi sumama nalang sa office nila, tapos nasa office na kami binigay ako sa HEADSECURITY nila) HEAD: sir bakit mo po kinuha yun pabango? ME: wala naman ako kinuha binili ko po yan sir. HEAD: may nakakita kasi sayo na nitesting mo at nilagay mo sa bag mo. ME: kinompare ko lang po sa nabili ko kahapon. hindi ko po talaga kinuha yan sir promise kahit check niyo po sa cctv niyo po. HEAD: umamin nlang po kayo para wala na tayong gulo at pag-uusapan pa. ME: ano aaminin ko wala talaga akong ginawang masama. (umiiyak na ako na nanginginig sa takot) HEAD: hindi mo ako madadala sa pag-iyak iyak mo jan sir, Eto suotin mo! (nakasulat I AM A SHOPLIFTER.) ikotin mo buong mall.. ME: (umiyak na ako lahat lahat) grabee!!! wala kayong malinaw na ebidensya!!! tingnan niyo yung cctv niyo! tingnan niyo binili ko e pa scan niyo ulet dina po yan babasahin kasi sold-out na. Magpatawag ako nang lawyer! tatawag ako sa asawa ko! HEAD: hindi na kailangan kasi may nakakita na sayo sir, Guard, iikot mo siya sa lahat nang floor kasama sa labas. Nanginginig ako sa kahihiyan at nanghihina ako sa pangyayari. Umikot kami sa buong mall na may nakasabit sa liigan ko na "I AM A SHOPLIFTER". Sa akin lang lahat nakatingin yun mga tao sa mall grabe hindi ko na maintindihan yun nararamdaman na kahihiyan sa sarili ko. Bigla ako nanghina. Napansin nang guard na namutla ako. Kaya bumalik kami sa office nila binigyan ako nang tubig. pagkakuha ko sa baso nabitawan ko eto. at dumilim bigla yun paningin ko hanggang nawalan ako nang malay. Pagkagising ko nasa kwarto na ako nananaginip lang pala ako. HAHAHAHA!

/r/Philippines Thread