Evening random discussion - Dec 13, 2022

netong pandemic lang ako nagshorts pag umaalis ng bahay. simula kasi nung bata ako marami akong insect bites sa legs tas maiitim talaga siya at sobrangggggg tagaaaaal magfade. ako yung tropa mo na di mo makikita mag dress or shorts pag magkikita sa labas ng school. pag may outing, asahan mo na may excuse ako bat di ako sasama or di ako magswiswimming at magbabantay na lang ako ng mga gamit natin hahaha

since netong pandemic naman pag nalabas ako mga importante lakad/errand lang naman, nagshoshorts na ako tas kasama ko naman pamilya ko, so di ako ganon nabobother

tas kanina noong nagmall kami, narealize ko lang na, oo nga no lagi na ako nakashorts ngayon pag naalis ng bahay. tas dati conscious na conscious ako tipong lahat ng makakasalubong ko tinitingnan ko line of sight nila kung titingin ba sila sa legs ko tapos ngayon wala na akong pake hahaha parang normal na lang

/r/Philippines Thread