Falling inlove pero mahirap ako.

Kung ako sayo, sabihin mo na sitwasyon mo. Wag mo piliting makasabay sa gusto niya. Sabi mo bago ka pa lang sa college, ang tagal mo pa bago makagawa ng sariling pera. Pero kung magwoworking student ka o freelance, magagawan mo nang paraan yan. Naranasan ko na din yan, napakahirap pag walang pera, pero yung sakin alam nung gf ko. Nakakapanliit pag ganon, di ako makapagyaya magdate dahil wala akong pera. Ngayon, 3 yrs na kaming break at 3 yrs na akong single. Madami naman akong nakausap na babae pero hanggang usap lang. May mga nagustuhan ako pero hanggang don na lang. Kasi di ko naman sila mayaya magdate o kung ano man. Pinangako ko na lang sa sarili ko na hindi ako mag ggf hanggat hindi ako financially stable o may stable na work. Try mo sabihin sa kanya, college pa din naman kayo. Lamang na mas maiintindihan ka nya.

/r/Philippines Thread