Questions for UP students

Mahirap. Pero masaya. Sa engineering, umaabot ng 12mn exam namin. Usually 3 items lang. May time na open notes pa pero wala pa rin kwenta. Uso teenager at kalendaryong score. Marami akong take 2 na subjects pero ok lang kasi lalo kong namaster.

Sa orgs naman (UPLB), uso hazing lalo na sa academic orgs. Pero toned down version aka "kupal". Di ko alam kung bakit tinotolerate yang kupal culture na yan kaya warning lang sa pagsali. May mga iilan naman na zero kupal orgs.

Basta kapag nakagraduate ka kahit pitong taon pa yan (ehem), standout ka pa rin pagdating sa industry. Na-experience ko to nung OJT. Akala ko napaka-weak ko pero nagulat ako pati boss ko ang dami kong alam nung nandun na ko.

Worth it lahat ng hirap. Magrereflect sayo lahat ng tinuro ng UP paglabas mo.

/r/Philippines Thread