Daily random discussion - May 11, 2017

Bale nanaginip ako kanina. Ako raw si Spiderman. De seryoso, talagang ako raw si Spiderman dun sa panaginip na 'yon. Kitang-kita ko pa nga 'yung pula at saka blue na may sapot na design sa costume kapag tinitignan ko 'yung kamay ko dun sa panaginip na 'yon eh. Nandun daw kami sa may construction site sa may Bataan. Medyo maaraw na, mga bandang 10am. Kasama ko sa area si Batman. Seryoso talagang si Batman 'yon, tapos ang design pa nga 'yung sa The Dark Knight Returns. Pero nandun na talaga kami kasi alam namin na may paparating na na kalaban. Kaya sigurado akong sa The Dark Knight Returns yung design ni Batman na kasama ko, kasi pag lingon ko sa kaliwa, nakita ko na 'yung isang kalaban na inaabangan namin -- si Bane. Nandun siya sa building na kino-construct sa 'min, mga 500m 'yung layo. Ngayon, kaya kitang-kita si Bane sa ganung layo, kasi sobrang laki niya! Kasing laki ng higante. Kumbaga kung 20 floors na 'yung building na tinatayo, mga nasa 15 floors 'yung height niya, at naka-stock pa siya sa mga semento doon sa building. Kaso gumuho 'yung building! Bumagsak si Bane na higante doon sa 1st floor at saka siya natabunan ng mga guho nung building na ginagawa.

Nung nangyari 'yon sabi sa 'kin ng nanay ko tapos na raw 'yung laban kasi nalalaglag na si Bane sa mataas na building. Ang sabi ko hindi pa, kasi kung 15 floors yung height niya, at nalaglag siya galing natitirang 5 floors pababa, wala lang sa kanya 'yon. Kaya sabi ko kay Batman, maghanda na kami kasi maya-maya susugod na si Bane.

Ayun nga. Sumugod papunta sa 'min si Bane! Nakailag ako. Nagpatalon-talon daw ako papunta sa mga imbentaryo ng mga hollow blocks tapos sinaputan ko ng marami si Bane. Pinaikot-ikot ko raw siya tapos ibinato papunta sa ding-ding ng ibang building na tinatayo. Oo nga pala, hindi na higante si Bane doon, normal na ulit 'yung laki niya, ewan ko bakit ganun. Basta ayan, sinugod daw niya si Batman, tapos sinaputan ko ulit yung ulo niya para mahila ko siya palayo. Ang nakakapag-taka, nung tinamaan ko 'yung maskara niya, 'yung ngipin pala niya parang sa pating. Kaya ngayon mas nag-iingat na kami na makagat niya. Sinaputan ko na lang ulit 'yung mukha niya para di kami makagat nung pangil niya. Kaso naubos 'yung sapot ko, puro tubig na lang daw 'yung sumisirit sa pulso ko. Mga tatlong sirit pa ng tubig 'yung nangyari bago ko naisip na medyo yari na.

Tama nga. Bigla akong dinakma ni Bane tapos binato raw niya ko dun din sa ding-ding kung saan ko siya binato kanina. Eh may ilog doon tabi, kaya tumalsik din ako dun, muntik na kong malaglag pero buti may isa pang superhero na dumating. Hindi ko alam 'yung pangalan niya eh, basta black american siya at saka may mga binabato siyang equipment, pero hindi alam kung paano nakakatulong 'yon.

Kaya ayun, tatlo na kami nina Batman na lumalaban kay Bane, pero dahil muntik na kong mahulog sa ilog, doon ko naisip na dapat itapon namin siya sa ilog para matalo namin siya. Kasi nga malaki siya at saka mabigat, kaya mahihirapan siya lumangoy. Kaya ayun, sinaputan ko siya ulit tapos pinaikot-ikot ko raw siya sa ere bago ibinato papunta roon sa ilog, tapos nagising na ko sa panaginip ko. Hahaha.

/r/Philippines Thread