If you were tasked to make a Pinoy TV Show/Teleserye that “it’s so bad that it’s actually good/I can’t look away”, What would the plot be?

An old post from months ago. Cliches on cliches.

You'd have to be careful with the message you put out there though. Especially if you say its for a teleserye, which usually airs at prime time with kids. You can't put out a message that says: "You're poor with mouths to feed, that makes crime okay.

Also, it would be hard to believe that an able-bodied man can't hold a real job. Pwede naman mag karpintero, pwede naman mag trabaho sa Jollibee, sa call center.

The Don won't let him out? What stops him from killing the Don then?

Pero sige, lets run with it.

Parang hindi siya bagay na hardened criminal who did time. If he is, then he should be smart enough to get a job. Theres nothing funny or likable about an ex-con.

Maybe he starts from zero. He's new. Maybe he isn't too bright and is that lovable idiot who falls into crime. That could be a source of comedy.

Start off with something dumb, like in The Big Lebowski -- he just wanted his rug.

Ma-nakawan kunyari si HENCHMAN AKA. BRANDO MONDRAGON ng cellphone na may number ni LUNINGNING, ang cute na sales lady sa kakasarado lang na Gift Gate sa Greenhills. Kailangan niyang makuha dahil hindi na niya mahahanap si Luningning!

Nasa kamay ni CODOFREDO, and leader ng sindikato ng snatchers ang cellphone ni Brando, dahil mataas na score at level ni Brando sa Candy Crush.

Para makuha ang number ni babae, kailangang munang kalabanin ni Brando ang sindikato ni Codofredo.

PERO, SANDALI!

Isa sa mga sindikato ni Codofredo ang nanay niyang matagal na niyang hindi nakikita - Si CORAZON! At hindi lang siya sindikato -- siya ang Kabit #6 ni Codofredo. Hindi niya pwedeng mapatay o masaktan si Codofredo, dahil sabi ng nanay niya gasp! si Codofredo ang kanyang tunay na ama!

DUNDUNDUNDUUUUNNNN

Pababayaan na ni Brando ang kanyang cellphone na may high score at ang number ni Luningning -- bakit nga naman hindi na lang niya hanapin si Luningning sa Facebook?

Search: Luningning Batumbakal

Results: 374 people. Halos lahat ng profile pics ay sunsets at landscapes o kaya fist ni Duterte. Ang dami palang troll accounts na ginamit pangalan niya?

Hindi -- Kailangan niyang mahanap si Luningning! Kailangan niya ang cellphone!

Maghaharap si Brando at Codofredo, matapos niyang mabugbog ang 34 na henchman ni Codofredo.

Mabibilib si Codofredo -- Anak, magaling ka pala, kapalit ng iyong cellphone, kailangan mong kidnapin ang anak ng kanyang karibal na si BEN TENG.

Kikidnapin ni Brando ang overweight na si Ben Teng habang nasa Reddit PH Boardgame meetup sa Cubao at lalagyan ng sako sa ulo, para dalhin sa kanyang amang si Codofredo.

Pagdating sa warehouse ni Codofredo, makikita nilang patay na si Ben Teng. Namatay matapos abutan ni Brando si Ben ng donut na may mani.

Itatapon si Ben sa Manila Bay. Makukuha ni Brando ang kanyang cellphone at and approval ng kanyang amang si Codofredo, at ang kanyang nanay na si Corazon.

Itetext na sana ni Brando si Luningning, nang lumabas ang balita ng pagkamatay ni Ben Teng. Ininterview ang kanyang mga mahal sa buhay -- isa na duon ay ang kanyang kasintahang si Luningning Batumbakal na nangakong hahanapin at dudurugin niya ang pumatay sa kanyang nobyo.

DUNDUNDUNDUUUUNNNN

Next episode: Mapapalapit si Brando sa kanyang ama, habang nasa family excursion sa beach. Lingid sa kanyang kaalaman, plano palang i-holdup at i-raid ni Codofredo at kanyang mga tauhan ang 7-11 sa tabi ng resort.

Samantala, si Luningning ay patuloy sa paghahanap sa kumidnap at pumatay kay Ben.

Ewan ko, tsong. Ewan ko. Wala din akong magawa ngayong Sabado.

/r/Philippines Thread