Nightly random discussion - May 21, 2021

Yung lola ko namatay, unang test ng covid negative, nagtest uli pero namatay bago lumabas yung result.

Nakalagay death certificate cause of death covid daw.

Tinanong nung tita ko kung bat ganun, nag rapid test daw sila ng di namin alam, hinihingi yung kopya, wala silang mapakita.

Bayad na yung funeraria pero hinarang ng lgu, pinapapalitan doon sa funeraria na partner nila tapos naniningil ng 40k.

Naningil pa ng 25k yung hospital kasi covid daw, yung lgu na dapat sasagot naubusan na daw ng budget kaya samin sinisingil.

Bukas pa lalabas yung resulta nung pangalawang swab test. Walang sintomas ng covid si lola bukod sa hinihika (90+ na si lola at normal na na hikain sya ng malala pre-covid). Nilagay daw sa covid ward at baka doon daw nahawa sabi nila (may apat na positive doon) iniisip ko bakit di sinabi samin na covid ward, saka kung covid ward bat pinayagang may bantay. Ang nangyari pinauwi nila yung bantay bago mamatay si lola kaya ayun yung bahay namin sa probinsya naka lockdown.

Pakiramdam ko magkasabwat yung lgu saka yung hospital. Pwede ba magrapid test ng di alam nung pamilya nung pasyente tapos walang maipakitang papel ng resulta nung rapid test daw nila kahit na naghihintay na lang ng resulta nung swab test.

Imbes pa na ayos na lahat, nakialam pa yung lgu kaya nadagdagan pa ng bayaran.

Nakakapikon.

/r/Philippines Thread