Afternoon random discussion - Mar 16, 2021

The grass is always greener on the other side talaga 'no?

Nung bago pa lang ako dito sa Japan, nagkaron ng hiring sa company namin. Altho hindi ganun kalaki ang sahod, wala ka naman gagastusin. From tuition fee sa language school to plane ticket, sagot nila lahat. So ayun, I referred some friends and ilan sa kanila, nabigyan ng offer. Kaso after a few weeks, they all declined. Gets ko naman kung bakit pero nahiya na ko ulit mang-invite.

Then recently, nakachat ko yung isang friend ko. Nakwento nya na lahat daw sila, sobrang nanghinayang bat hindi sila tumuloy. Nagulat ako kasi akala ko talaga masaya na sila dun. Before covid, lagi silang nagpopost ng travel pictures, kain kung saan-saan, ganyan. She also admitted na medyo naiinggit sya sakin kasi mukhang stable na daw ako financially.

Ang ironic lang kasi ako din, sobrang naiinggit sa kanila. Never ko naexperience na maging abay sa kasal, or at least mainvite para makapagsuot ng cute na gown. Miss ko na magpasko na may kasama. May bahay nga ako pero hindi ko naman natutulugan. Gustong-gusto ko na umuwi pero hindi ko kaya. Ewan ko. I know I made the right decision noon na umalis ng pinas pero minsan, gusto ko na lang ulit magpa-baby kay mama.

/r/Philippines Thread