Nightly random discussion - Jun 27, 2016

Naiinis ako na halos dalawang linggo na lang aalis ka na. Naiinis ako na pagkaalis mo, hindi ko alam kung kailan ulit tayo pwede magkita. Hindi ko alam kung ilang linggo, buwan, o taon aabutin, o kung magkikita pa man ulit tayo. Sana mas maaga kitang nakilala, at sana hindi mo kailangan umalis. Sobrang sakit na, kahit tingin ko ikaw yung tamang tao para sa akin, wrong timing lang talaga tayo nagkakilala.

Pero masaya ako na nakilala kita. Masakit lang talaga na sa ganitong sitwasyon tayo nagkakilala, kung saan kahit gusto natin, hindi talaga tayo pwede magkasama kasi magkaibang bansa yung hihiwalay satin. Masakit kasi hindi pa ako ready na mawala ka, at baka hindi na tayo ulit magkita kahit kailan.

Salamat sa lahat-lahat. Alam ko hindi ako masyado naging open sayo, pero pipilitin ko bumawi sayo sa natitirang dalawang linggo na meron tayo. Sobrang mamimiss kita, hindi mo lang alam. Sobrang winiwish ko na sana pwede tayo magkasama pa rin. Pero kahit yun lang din naman ang patutunguhan, na maghihiwalay talaga tayo, sana lang maging masaya ka dahil sobrang napasaya mo ako.

Sana magkita ulit tayo, kung di man dito ulit, sa kung saan mang ibang bansa ka mapunta pagtapos nito. Sabi mo nga tuwing lalabas tayo na may madadagdag ako sa mga unang experiences ko dito sa Japan, kaya salamat talaga sa lahat ng unang experiences na binigay mo sakin. Pero pati ba naman unang totoong heartbreak din ipapaexperience mo pa sakin? ;)

Good luck sa life mo, sa travel mo and sa adventures mo. Salamat talaga ng marami.

/r/Philippines Thread Parent