riskiest thing you've ever done?

May bilyaran kami dati, isang hapon nagbibilyar ako, lumabas ako ng bilyaran para kumain ng tusok-tusok saka palamig, dala-dala ko pa yun tako(cue stick). May biglang lumapit sa akin at tinutukan ako ng paltik (homemade gun). Hinoholdap ako. Ewan ko kung ano tumakbo sa isip ko ng mga oras na yun, pumalag ako gamit yun cue stick na hawak ko. Kinalabit niya yun gatilyo, napayuko ako, puta hindi pumutok. Sumigaw ako ng may holdaper at naglabasan na mga pinsan ko at barkada ko sa bilyaran. Hinabol namin. Akala ko mabilis na ako tumakbo(walang makahabol sa akin sa larong 1-2-3 dati), napakabilis ng gago. Wala naman gusto humarang kasi nga may hawak na paltik. Mga ilang minuto siguro namin hinabol. Tumigil na lang kami ng paghabol ng tumawid na siya sa kalsada pa-Maharlika Village. Delikado na eh. Pagbalik namin sa bilyaran, kumalma na yun adrenaline. Tulala ako ng ilang oras. As in hindi ako gumagalaw o nagsasalita. Nasa isip ko that time, paano kung pumutok yun? Hindi rin ako lumabas ng bilyaran hanggang sa sinundo ako ng lolo ko. Hindi pa rin ako nagsasalita. Pagdating ng bahay, hinatid ako ng lolo ko sa bahay ng nanay ko sa QC. Putangina! Hindi ko nakita nanay ko ng ilang taon, sabay dun pala ako ihahatid ng lolo ko? Hanggang ngayon napapanaginipan ko pa rin yun nangyari ng araw na 'yun. Pero dahil dun, naging okay kami ng nanay ko for a while, pasamantala lang, hanggang she failed being a mother again.

/r/Philippines Thread