Commuters of /r/Philippines, share your jeep stories.

Papasok ako nung ng yari to. Saturday 6:15am sumakay ako ng jeep biyaheng project 6-buendia. Habang nagbibiyahe nakatingin lang ako sa kalangitan(nasa pinaka dulo ako nakaupo malapit sa babaan) maulap nung panahon na un kaya nalilibang lang ako nakatingala tas ayun na madaming sumakay sa araneta my napansin lang akong di normal may nagpumilit umupo sa tabi ko kahit masikip na pero sa kabila maluwag naman kaya medyo nagtaka ako hindi na nga halos nakasayad ung puwet ng lalaki eh. Edit ayun sige titig ulit sa labas tingin sa phone saglit tas makalipas ng mga 5minuto ung katabi ko nahulog ung nga barya nyang hawakedi aun tinulungan ko tas paglipas nanaman ng 5min nahulog nanaman ung barya nya tas di ko na tinulungan pero grabe garapalan ung lalaki binubuhat ba naman ung paa ko edi ayun para nakatigilid ako kasi parang tinutulak ako at buhat-buhat nya ung isang paa ko tas ayun kinutuban akong masama tas napansin ko parang gumaan ung bulsa ayun pala kinukuha na ung cellphone ko partida malaki pa ung phone ko tas halos di ko napansin na kinukuha ung phone ko siguro dahil tinataas nya ung paa ko edi ayun medyo napalakas boses ko sabi ko "hoy ano yan!" Ung phone ko halos wala na sa bulsa ko tas my bag sa likod nung lalaki na katabi ko bag yata un nung katabi nya para di pansin na my nandudukot dun kasabuwat nya siguro un tas bakas sa mukha nya na kinakabahan sya tas sabi nya "oh di ko ginagalaw cp mo ah"(partida wala akong sinabing ginalaw nya cp ko) tas ayun bumaba na sya agad tapos mga 30sec sumunod din ung katabi ko kasabay nung isa pang lalaki(medyo malayo sya sa akin kaya di ko alam kung my ginawa sya) traffic nun kaya pareparehas din ung binabaan nila pero nasulyapan ko pa sila nag uusap malapit sa pnr station(dun sila bumaba). Buti na lang hindi nakuha phone ko nun. Makalipas ng 1 buwan my napanuod ako sa fb na video na mandurukot tas siya ung lalaki na nag attempt mandukot sakin pero wala akong ginawa kaya di ko alam kung napakulong ung lalaki pero wala dun ung kasama nya. Ung lalaki nga pala nasa 5"7 siguro, normal build, maputi tas kalbo ung isa naman mukhang taong grasa medyo kulot buhok at medyo mahaba, payat, at kayumangi ang kulay ng balat nya. Maging alerto kayo sa paligid nyo lalo na pag kinutuban ba kayong masama.

P.s. Sorry kung magulo ung pagkuwento di ako masyado sanay magkuwento.

/r/Philippines Thread