How to get promotion?

Ask your boss and boss’ boss. Show them what you are capable of. Mahalaga na may good relationship ka sa boss mo dahil sya ang magbebenta ng skills mo sa higher management.

I’ve been an SME for four years - taga assist ng mga ahente na nasa back office, taga join ng meeting kapag may escalation, taga provide ng support, taga troubleshoot kapag may hindi gumaganang tools nila, always available para matanungan, taga train ng new hire, taga audit ng gawa ng mga ahente at taga follow up kung nagawa na nila yung mga kelangan gawin within the deadline.

Madalas, hindi nila nagagawa yung need ipagawa at madalas sila pa yung matapang at makukulitan tapos makikita mo lang sila either nagcchismisan or tulog pero it’s part of my job so even if they hate me, i have to uphold quality at deliverables. Aside sa support sa mga ahente, I handled inventory too at parang assistant na rin ng sup or TL namin.

During my free time, pag walang nagtatanong sa akin at walang kelangan ang boss ko sa akin. Nag oonline course ako Nag-aral ako ng excel formulas kasi kailangan un sa work ko para mas mapabilis ang trabaho. Nag-aral rin ako ng automation - Power Automate Inautomate ko ung mga repetitive tasks na ginagawa ko para medyo hayahay ako sa work at ang gagawin ko na lang talaga mostly ay sumagot ng mga tanong ng mga ahente kung meron.

Pinag-aralan ko rin gumawa ng Power Bi Dashboard para sa team namen.

Sobrang natuwa yung boss ko at napadali ko ang trabaho.

Sabi ko sa sarili ko 2yrs lang ako magiging SME kaso dahil sa pandemic nadelay twice ako nagapply as Sup pero di ako pinalad biglang one day..

Inendorse ako ng boss ng boss ko sa isang opening Business Analyst for Automations Which hindi ako makapaniwala dahil walang wala naman akong credentials for that. But my supervisor sold my expertise, my skills to prove na capable ako sa position na to. So I applied and after a month long process of interviews I got it. And this has been the happiest day of my career. Kasi I was on the verge of quitting na kung di ako napromote dahil I got bored of my SME tasks I wasn’t challenged anymore and sobrang natotoxican na ko sa ungrateful kong teammates.

So yun lang naman.. Go beyond your job description Upskill and Upskill And maintain good rel with your boss.

/r/phcareers Thread