Ano ang kwentong drug war mo?

It was late 2018 and it was in the afternoon.This happened in Tondo. I live alone during these years pero binibigyan ako ng pera. I was 17 at the time Yung tapat kasi namin malaking street siya so dun sa tapat namin sila nagpaparada and sa jeepney sila mismo nakatira at natutulog. I stay away from their business and they stay away from me.

That day lumabas ako ng bahay para bumili ako ng snacks, about 5 steps outside my door. Tsaka ko pa lang narealize na may kaguluhan sa labas. Hinuhuli na pala ng mga pulis yung mga tao sa tapat namin. At the time kasi naka civilian lang silang lahat, wala naka uniform kahit isa. Ako, a minor at the time, hindi sumagi sa isip ko na police yung mga yun at nanghuhuli.I honestly thought na mga sindikato sila. So ayun habang nagkaka gulo bumalik ako sa bahay ko. Then sakto the moment pag lock ko ng pinto, may kumatok. Tas ang sabi "Buksan mo to, sisirain namin tong pinto". And I was scared as fuck, nag papanic na ako, di ako alam kung anong gagawin ko. Then naisip ko na may isa pa kaming pinto leading into another street. So tumakbo ako palabas ng pintuan na yun. And dun ko na feel yung adrenaline ko, ang bilis kong tumakbo tapos di ako napapagod. I didn't look back, akala ko pa nga babarilin nako at that very moment e haha. Pumunta ako sa classmate ko na tatay niya ay high ranking pulis. Humingi ako ng tulong sa kanya, sinamahan niya ako pabalik ng bahay tapos pinalabas niya yung mga kabaro niya. It turns out hinalughog nila yung bahay ko, kinuha school I.D. ko cellphone etc. Sa loob ng bahay napaluha ako. And an officer came to me and the convo went like this:

P: May tumakbo daw dito sa bahay Me: Ako po yun sir P: Ha? Dapat hindi ka tumakbo, di ka naman aanuhin eh

I didn't get to reply because I was so shocked. Sa nangyayari, this was all done in 5 mins. Kahit isang sorry, wala akong narinig sa mga pulis na yun. After nila lumabas ng bahay sinauli nila ung mga things ko tapos umalis. Iniwan nilang napaka gulo ng bahay. I was so paranoid, di ako makagalaw. Then sabi ng neighbor ko, tignan mo yung mga gamit mo baka may tinanim yan sila. Lahat ng kalat nila inayos ko at tinitignan ko isa isa. Luckily wala. Yung gabing yun di ako makatulog. Natatakot ako sa buhay ko baka balikan ako or ano mangyari sakin.

/r/Philippines Thread Link - i.redd.it