Evening random discussion - Aug 19, 2017

Is it weird that I still love her pero okay na kong hindi na kami? That I will never be a part of her life anymore? I've known her for a decade na. She's my bestfriend and the best partner I ever had. (Well, siya pa lang naman naging partner ko. Haha.) I used to think we were made for greater things just because of how we felt connected dati kahit ang weird ng situation namin. Pero ngayon, tanggap ko na.

Nagkakilala kami noon sa text clans. Nasl po? Yung mga ganun. Haha. Grade 6 pa lang kami nun. Nung naka-pm ko na siya, there was something na nagclick samin. For years and years, through text lang communication namin. 4th yr highschool nung finally nagkita na kami. Then naging kami na in real life. Haha.

Nasubaybayan na namin buhay ng isa't isa pero hindi in close contact. You see, we're a lesbian couple and both our parents don't approve of what we had. Nangyari pa ngang muntik na siyang patayin ng tatay niya just because of me.

We had our share of ups and downs. Pero we always feel that connection that we have. Until life happened and we grew apart.

Fast forward to today and we're not even talking. :) I used to bug her kapag ganito kami. Ako yung nangungulit hanggang sa magalit na siya sakin pero eventually bibigay rin siya kasi miss na rin niya ko. But now, pagod na ko. Wala na rin akong time to defend myself na wala naman akong iba. Ang totoo niyan, alam kong siya talaga ang may kausap palaging iba. Shoutout po sa tibong barista sa Starbucks Rob Forum. Malandi ka rin, ate, eh noh. Haha.

Wala na kong ibang gusto kundi i-wish na magiging genuinely happy ulit siya. I love you always, P. (Baka sakaling mabasa mo 'to cuz u a lurker. Pls wag kang magalit.) Thank you sa lahat. Take care of yourself palagi.

/r/Philippines Thread